Thursday, October 22, 2015

Todo sa Practice Si Meng! One Day Left sa Tamang Panahon!



Puspusan ang ginagawang pag eensayo ni Maine sa nalalapit na concert sa TAMANG PANAHON sa Philippine Arena.

Nagulat daw talaga ang dalaga nang una niyang makita kung gaano kalaki ang Arena. Marahil ay hindi makapaniwala ang dalaga sa kanyang tinatamasang kasikatan ngayon, na kung iisipin wala pang anim na buwan ang nakakaraan ay ibang-iba pa ang kaniyang buhay.

Nagsimulang sumikat si Maine Mendoza bilang Yaya Dub ng Eat Bulaga. At nang makilala niya sa Alden Richards sa Juan For All, ay naging instant love team ang dalawa.

Ngayon nga matapos ang mahigit apat na buwan nilang pagpapakilig sa mga Pilipino ay magaganap na ang Tamang Panahon.

Excited na ba kayong Aldub Nation sa concert nila? Sino ang manonood sa arena ng Live? Sino ang sa bahay lang? Isang araw na lang ang natitira sa concert!



No comments:

Post a Comment